Breaking News
Loading...
, ,

5 Tips on How to Survive 'Heeeaaaavvvyyyy "Traffic"

Share on Google Plus


  1. Magdala ng unan. Kahit maliit lang yung pwedeng madala kung saan saan para naman may free accomodation ka sa sasakyan, pag uwi mo ligo ka nalang sa bahay niyo, derecho pasok ka na sa school o trabaho. Tutal naabutan ka na ng pagbabago ng petsa sa daan. 

  2. Magbaon ng pagkain. Naging pangangailangan na ito dahil sa haba ba naman ng traffic kukulo talaga tiyan mo sa daan, sa totoo lang. Kung maaari with appetizer, main course, salad and desserts na para swak. Alukin mo na din katabi mo, kawawa naman. 


  3. Tapusin ang Assignments. Malamang sa malamang makakapagbasa at makakapagsulat ka mabuti kasi hindi naman gumagalaw sinasakyan mo. Atleast kinabukasan, hindi minadali ang assignment mo. Ang tawag na dun 'minatagal sa traffic'.

  4. Tumabi sa Maganda/Gwapo. Ito siguro ang bagay na gusto mo patagalin na pagkakataon sa buhay mo bilang isang commuter. Kaya kahit ma-traffic man o hindi basta may katabi kang good-looking, you are in a win-win situation. (Laughs!)

  5. Wag na wag tatabi sa taong may kausap sa cellphone na alam mong telebabad ang style. Unang una sa lahat maingay ang mga ganitong tao. Hinding hindi mo magagawa ang mga naunang tips. Magdala ka man ng unan, di ka makakatulog. Hindi ka makakapag concentrate sa assignments mo, at matatalsikan ng laway ang pagkain mo kasi walang preno sa pagsasalita. At kung si maganda/gwapo yung tipo ng tao na ito pagpasensyahan mo nalang... just enjoy the ride! :)

You Might Also Like

0 comments

About Viral.BLVD

Is it Viral? Well you can check it out here! Viral.Blvd is a page where you can get the things that you need to know about what's happening around the world of internet. You are free to share your thoughts, so are other people. Viral.Blvd believes that exchanging of thoughts could lead to fruitful discussions... everyone learns!

Like us on Facebook